Ngunit wala paring marinig
Saradong mga labi, mapayapang daigdig
Parang wala lang nangyayari
Parang walang mga namatay na bayani
O bakit ba ang tahimik mo?
Ikaw ba ay nababato
Sa lagpak mong karandaman
May pag-asa ka ba bayan?
Hanggang tambay lang nga ba si Juan?
Nakararating kung saan-saan
Ngunit wala paring laman ang tiyan
Konting kurot at subo man lang
Oo ngang bumibirit sa entablado
Bagsak ang kalaban, bugbog sarado
Pero wala paring laman ang plato
Sa ilang butil lang nagsasalo-salo
At bakit ba ayaw natin lumaya?
Dahil ang manlulupid ay sadyang madaya
Wala na tayong ginawa na tama
O, lagi na lang tayong kawawa
Ganyan parati ang kanyang reklamo
Mahina magisip, maliit magplano
Sumusunod-sunod lang kung kani-kanino
Walang konsepto ng ginto
Di marunong makipagsabayan
Hindi handang makipaglaban
Padaos-daos lang
Walang kasunod na hakbang
Masakit marinig, masakit ispipin
Ganyan na lang ang tingin sa atin
Pero sandali kaibigan
May hindi tayo nalalaman
Ang mangaapi, ang kalaban
Ang pumipigil sa aksyon at kaalaman
Sino nga ba sila?
Lumaban nga't magpakita
Ang kunot sa iyong noo
Mawawala pag 'yong natanto
Sa salamin nakatungo
Ang kalaba'y nakatingin sayo
Sino pa ba?
Tayo lang naman kaibigan
Tayo lang ang kailangan
Hinahayaang maapi't maapakan
Kung kaya't di maibigay ang kailangan
Nawala na nga ang mga prayle
At ang mga 'kanong minsan din ay dumiskarte
Pero gusto parin nating magpaalila
Tayo rin ang pumalit sa mga puti't kastila
Hindi pagbangon, hindi pagkilos
Hindi pagsangayon o batikos
Pagbabago lang ng pagiisip at paniniwala
Kahit yun na muna ang gawin nating tama
Hindi masama ang pagiging masaya
Pero maniwala ka na meron at meron pa
Sa atin ang mundo
Maniwala lang sana tayo