Why is that such a hard question to answer?
I mean, given that okay lang isn't really an answer.
What's okay lang anyway?
It's good,
But it's just good
Meaning it could be better
Though it's not really bad
'Cause it is good.
'Di ba?
So in other words, okay lang nga.
Yun na yun.
So, kamusta na nga?
Ang pangit noh?
Wala kang masagot.
Parang may kulang sa mundo mo.
Parang walang highs or lows
Walang storya, walang climax,
Walang epiphany.
So ano nga nangyari sa buhay mo?
Wala?
Kasi rin naman,
Minsan, may storya naman talaga
Kaya lang bawal sabihin,
Bawal malaman,
Bawal pa nga isipin eh.
Kinikimkim kasi.
Mabuti pa na nakatago na lang.
Walang masasaktan,
Walang magiisip,
Walang mga tataas na kilay.
Kamusta na?
Gusto ko mang ibahagi ang mundo ko,
Siguro nga sapat nang malaman na okay lang ako.
Eto, buhay pa rin naman, nagaabang.
No comments:
Post a Comment