Monday, September 27, 2004

Bulong sa buwan

Alam ko namang alam mo eh. Siguro hindi mo lang alam kung gaano kita ka mahal pero alam kong alam mo na may pagtingin ako para sayo. Alam ko rin na ayaw mo pa. Alam kong walang saysay na sabihin ko sayo ang lahat ng bagay na dapat mong malaman dahil wala ka rin namang magagawa--at siguro wala ka rin namang pagtingin para sakin.

Kay tagal na kitang hinihintay. At siguro, maghihintay pa ako. Kung sa huli, lahat ng ito ay mapupunta lang sa wala, ayos lang din.. basta alam mo na mahal kita at nagbago ang buhay ko dahil sayo.

No comments: