Wednesday, September 08, 2004

Marami na

Marami nang nag bago
Marami na ring nawala
Kung maibabalik ko lang ang kahapon
Marami sanang 'di ginawa

Marami na 'kong natutunan
Marami nang pinagsisihan
Marami nang nagbago
Sa akin at sa 'yo

Patawarin mo sana ako
Sarado na ang 'yong puso
Hindi rin naman kita masisisi
Sa aking mga pagkakamali

Libo-libong mga ngiti
Naglahong unti-unti

Saan na nga ba nagpunta ang kahapon?

No comments: