Sunday, February 13, 2005

Dating gawi

Ang hirap. Parang isang maling galaw lang, guguho na ang lahat ng 'to.

Ang hirap intindihin. Ang hirap umintindi. Ang hirap mag desisyon. Ang hirap ng akala mong ayos na ang lahat, na kahit na ginagawa mo na ang akala mong magiging sagot sa mga panalangin mo, naiiwan ka parin na may maraming mga tanong.

Ang hirap nang bumabalik sa dating gawi, lalo na ngayong alam mo na ang mga kademonyohan ng nakaraan. Natuto ka na, napaso ka na, pero pumapasok ka ulit sa laro. Palagay mo alam mo na ang mga hanganan, palagay mo na sa pagkakataong ito alam mo na ang tama at mali, alam mo namang natuto ka na eh, pero syempre, natatakot ka pa rin. Ayaw mo kasing mauwi nanaman ang lahat sa wala. Natuto ka na, napaso ka na.

Pero kahit na mahirap, kahit na nakakatakot, kahit na minsan parang ayaw mo na lang gumalaw para hindi ka magkamali, alam mo na kailangan mo eh. Kailangan mong mapunta sa mga sitwasyong ganito. Kailangan mong magisip, dumamdam, at mamili. Kailangan mong sumagop sa mga bagay na hindi komportable. Kailangan mo, kasi ganyan naman talaga ang buhay eh. Hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali. Hindi mo matutuklasan ang mga hanganan mo kung hindi mo itutulak ang sarili mo.

Kaya yan. Bumalik nanaman ako sa dating gawi. Siguro sa simula lang 'to ganito. Ganyan naman talaga diba, sanayan lang. Siguro wala pang isang buwan, okay na 'to. Sana lang nga, pero malamang hindi mangyayari yun. Hindi naman yun ganon ka dali diba? Kakasimula lang pa nga eh. Kakaumpisa pa lang.

Mahirap, pero kailangan.

Kailangan.

No comments: