Tama na ang pagsisisi
At ang pagmumukmok
Lahat ng bagay ay may takdang panahon
At panahon nang lumaya
Tuyo na ang lahat ng iyong luha
At matigas na ang iyong mukha
Kinalimutan mo na ang pait ng iyong mga laban
Nagliliyab ang iyong mga mata
Ngayong wala ka nang iiwanan
At ang hinaharap mo ang tangi mong kailangan
Lumayag
At wag ka nang lumingon sa nakaraan
No comments:
Post a Comment